Add parallel Print Page Options

27 (A)Si Benjamin ay isang lobo na mang-aagaw:
Sa kinaumagaha'y kaniyang kakanin ang huli,
(B)At sa kinahapunan ay kaniyang babahagihin ang samsam.

28 Ang lahat ng ito ang labing dalawang angkan ng Israel: at ito ang sinalita ng ama nila sa kanila, at sila'y binasbasan; bawa't isa'y binasbasan ng ayon sa basbas sa kanikaniya,

29 At kaniyang ipinagbilin sa kanila, at sinabi sa kanila: (C)Ako'y malalakip sa aking bayan: (D)ilibing ninyo ako sa kasamahan ng aking mga magulang (E)sa yungib na nasa parang ni Ephron na Hetheo,

Read full chapter