Add parallel Print Page Options

10 Pagdating nila sa giikan sa Atad, malapit sa Ilog ng Jordan, nagluksa sila roon para kay Jacob at labis ang kanilang pag-iyak. Labis ang kalungkutan ni Jose sa loob ng pitong araw para sa kanyang ama. 11 Nang makita ng mga Cananeo ang pagdadalamhati nila sa may giikan sa Atad, sinabi nila “Labis ang pagdadalamhati ng mga Egipcio.” Kaya ang lugar na iyon na malapit sa Ilog ng Jordan ay tinawag na Abel Mizraim.[a]

12 Tinupad ng mga anak ni Jacob ang habilin niya sa kanila.

Read full chapter

Footnotes

  1. 50:11 Abel Mizraim: Ang ibig sabihin, ang pagdadalamhati ng mga Egipcio.