Add parallel Print Page Options

23 At kumuha si Sem at si Japhet ng isang balabal, at isinabalikat nilang dalawa, at lumakad ng paurong, at tinakpan ang kahubaran ng kanilang ama; at ang mukha nila ay patalikod, at hindi nila nakita ang kahubaran ng kanilang ama.

24 At nagising si Noe sa kaniyang pagkalango sa alak, at naalaman ang ginawa sa kaniya ng kaniyang bunsong anak.

Ang sumpa sa Canaan.

25 At sinabi,

(A)Sumpain si Canaan!
(B)Siya'y magiging alipin ng mga alipin sa kaniyang mga kapatid.

Read full chapter