Add parallel Print Page Options

Papalakarin(A) ko sa kapangyarihan ang mga taga-Babilonia—
    ang bansang kilala sa kalupitan at karahasan.
Sinasalakay nila ang lahat ng dako ng daigdig
    upang sakupin ang lupaing hindi kanila.
Naghahasik sila ng takot at sindak;
    ipinagmamapuri nila na sila mismo ang batas.
Ang mga kabayo nila'y mas mabibilis kaysa mga leopardo,
    mas mababangis kaysa mga asong-gubat pagsapit ng gabi.
Ang kanilang mga mangangabayo ay rumaragasa mula sa malalayong lupain;
    para silang mga agila na dumadagit sa kanilang biktima.

Read full chapter