Add parallel Print Page Options

Ito ang isulat mo:

“Tingnan mo ang mga taong mapagmataas. Hindi matuwid ang kanilang pamumuhay. Pero ang taong matuwid ay mabubuhay dahil sa kanyang pananampalataya.[a] Ang totoo, hindi maaasahan ang kayamanan.[b] At ang mga taong mapagmataas na sakim sa kayamanan ay laging balisa at walang kasiyahan. Tulad nilaʼy kamatayan na hindi makukuntento. Kaya binibihag nila ang maraming bansa. Pero kukutyain sila ng mga bansang iyon sa pamamagitan ng mga salitang ito,

“ ‘Nakakaawa naman kayo, kayong nangunguha ng mga bagay na hindi sa inyo at nagpapayaman sa pamamagitan ng pandaraya. Hanggang kailan pa ninyo ito gagawin?

Read full chapter

Footnotes

  1. 2:4 Pero … pananampalataya: o, Pero ang itinuring na matuwid dahil sa kanyang pananampalataya ay mabubuhay.
  2. 2:5 kayamanan: Ito ang nasa Dead Sea Scrolls. Sa ibang tekstong Hebreo, alak.