Add parallel Print Page Options

25 At siya'y hindi rin naman kailangang ihandog na madalas pa ang kaniyang sarili, na (A)gaya ng dakilang saserdote na pumapasok sa dakong banal (B)taon-taon na may dalang dugo na hindi niya sarili;

26 Sa ibang paraan ay kailangan na siya'y magbatang madalas mula nang itatag ang sanglibutan: datapuwa't ngayon ay (C)minsan siya'y nahayag (D)sa katapusan ng mga panahon (E)upang alisin ang kasalanan sa pamamagitan ng pagkahandog ng kaniyang sarili.

27 At kung paanong itinakda sa mga tao ang mamatay na minsan, at pagkatapos nito ay ang paghuhukom;

28 Ay gayon din naman si Cristo, na inihandog na minsan (F)upang dalhin ang mga kasalanan (G)ng marami, sa ikalawa'y pakikita na hiwalay sa kasalanan, sa ikaliligtas (H)ng mga nagsisipaghintay sa kaniya.

10 Sapagka't ang kautusan na may (I)isang anino (J)ng mabubuting bagay na darating, hindi ang tunay na larawan ng mga bagay, (K)kailan pa man ay di maaaring magpasakdal sa mga nagsisilapit sa pamamagitan ng mga hain na laging inihahandog sa taon-taon.

Sa ibang paraan ay hindi kaya baga nagsipaglikat sila ng paghahandog? sapagka't ang mga nagsisisamba, yamang nalinis na minsan, ay hindi na sana nagkaroon pa ng budhi sa mga kasalanan.

Nguni't (L)sa mga hain yaon ginagawa ang pagaalaala sa mga kasalanan taon-taon.

Sapagka't di maaari na (M)ang dugo ng mga baka at ng mga kambing ay makapagalis ng mga kasalanan.

Kaya't (N)pagpasok niya sa sanglibutan, ay sinasabi,

(O)Hain at handog ay hindi mo ibig.
Nguni't isang katawan ang (P)sa akin ay inihanda mo;
Sa mga handog na susunugin at mga haing patungkol sa mga kasalanan ay hindi ka nalugod.
Nang magkagayo'y sinabi ko, Narito, ako'y pumarito (sa balumbon ng aklat ay nasusulat tungkol sa akin.)
Upang gawin, Oh Dios, ang iyong kalooban.

Sa itaas ay sinasabi, Mga hain at mga handog at mga handog na susunuging buo at mga haing patungkol sa kasalanan ay hindi mo ibig, at di mo rin kinalulugdan (mga bagay na inihahandog ayon sa kautusan),

Saka sinabi niya, Narito, ako'y pumarito upang gawin ang iyong kalooban. Inaalis niya ang una, upang maitatag ang ikalawa.

10 Sa (Q)kaloobang yaon tayo'y pinapaging-banal, sa pamamagitan ng pagkahandog ng (R)katawan ni Cristo na (S)minsan magpakailan man.

11 At katotohanang ang bawa't saserdote (T)na araw-araw ay nangangasiwa ng patayo at naghahandog na madalas ng gayon ding mga hain, na hindi makaalis kailan pa man ng mga kasalanan:

12 Nguni't siya, nang makapaghandog ng (U)isa lamang hain patungkol sa mga kasalanan (V)magpakailan man, ay umupo sa kanan ng Dios;

13 Buhat noon ay naghihintay hanggang sa ang (W)kaniyang mga kaaway ay maging tungtungan ng kaniyang mga paa.

14 Sapagka't sa pamamagitan ng isang paghahandog ay (X)kaniyang pinasakdal magpakailan man (Y)ang mga pinapagiging-banal.