Add parallel Print Page Options

10 Sapagkat ang talagang inaasahan ni Abraham ay isang lungsod na may matibay na pundasyon, na ang Dios mismo ang nagplano at nagtayo.

11 Dahil sa pananampalataya, nagkaanak si Abraham kahit na matanda na siya at baog ang asawa niyang si Sara, dahil naniwala si Abraham na tutuparin ng Dios ang pangako niya na magkakaanak si Sara. 12 Kaya mula kay Abraham, na wala nang pag-asang magkaanak pa,[a] nagmula ang isang lahi na kasindami ng mga bituin sa langit at buhangin sa dalampasigan.

Read full chapter

Footnotes

  1. 11:12 wala nang pag-asang magkaanak pa: sa literal, halos patay na.