Add parallel Print Page Options

23 Lumapit na kayo sa pangkalahatang pagtitipon at sa iglesiya ng mga panganay na nakatala sa kalangitan. Lumapit na kayo sa Diyos na hukom ng lahat at sa mga espiritu ng mga matuwid na pinaging-ganap. 24 Lumapit na kayo kay Jesus na siyang tagapamagitan ng isang bagong tipan at sa dugo na kaniyang iwinisik na nangungusap ng higit na mabubuting bagay kaysa sa dugo ni Abel.

25 Tiyakin ninyo na hindi ninyo tinatanggihan ang nagsa­salita. Sapagkat kung ang mga tumanggi sa nagsalita sa lupa ay hindi makakaligtas sa paghatol. Ang ating kahatulan ay lalong tiyak kung tatalikuran natin siya na nagmula sa langit.

Read full chapter