Font Size
Hebreo 12:26-28
Ang Salita ng Diyos
Hebreo 12:26-28
Ang Salita ng Diyos
26 Noon ang kaniyang tinig ay yumanig sa lupa. Ngunit ngayon siya ay nangako na sinasabi: Minsan na lang ay yayanigin ko hindi lamang ang lupa kundi gayundin ang langit. 27 Nang gamitin niya ang katagang, minsan na lang, ang ibig niyang sabihin ay aalisin niya ang lahat ng bagay na mayayanig, na ang mga ito ay ang mga bagay na ginawa, upang ang mga bagay na hindi mayayanig ay manatili.
28 Tinanggap natin ang isang paghahari na walang makakayanig. Kaya nga, tayo nawa ay magkaroon ng biyaya na sa pamamagitan nito, tayo ay maghahandog ng paglilingkod na kalugud-lugod sa Diyos, na may banal na paggalang at pagkatakot.
Read full chapter
Ang Salita ng Diyos (SND)
Copyright © 1998 by Bibles International