Add parallel Print Page Options

Kung gayon, papaano tayo makakatakas kung pinabayaan natin ang gayong napakadakilang kaligtasan? Ang Panginoon mismo ang unang nagsalita patungkol dito at pinagtibay ito sa atin ng mga nakarinig sa kaniya. Ang Diyos din naman ang nagbigay ng kaniyang patotoo sa pamamagitan ng mga tanda, mga kamangha-manghang gawa, iba’t ibang himala at gayundin ng mga kaloob na mula sa Banal na Espiritu, ayon sa kaniyang kalooban.

Ginawa ng Diyos na si Jesus ay Maging Tulad ng Kaniyang mga Kapatid

Sapagkat hindi ipinailalim ng Diyos sa mga anghel ang sanlibutang darating, na siyang ating sinasabi.

Read full chapter