Add parallel Print Page Options

Babala Laban sa Paglayo sa Pananampalataya

11 Marami kaming masasabi patungkol sa kaniya na mahirap ipaliwanag dahil kayo ay naging mapurol sa pakikinig.

12 Sapagkat sa panahon na kayo ay dapat na maging mga guro, nangangailangan pa kayo na may magturo sa inyong muli ng panimulang katuruan ng mga aral ng Diyos. Kayo ay naging katulad ng mga nangangailangan pa ng gatas at hindi tulad ng mga nangangailangan ang matigas na pagkain. 13 Sapagkat ang sinumang nabubuhay sa gatas ay hindi pa sanay sa katuruang patungkol sa katuwiran sapagkat siya ay isa pang sanggol.

Read full chapter