Font Size
Hebreo 7:11-13
Ang Salita ng Diyos
Hebreo 7:11-13
Ang Salita ng Diyos
Si Jesus ay Tulad ni Melquisedec
11 Nang ibigay ng Diyos ang kautusan sa mga tao, ito ay nakabatay sa gawaing pagiging saserdote na nauukol sa mga angkan ni Levi. Hindi ba totoo na kung ang pagiging-ganap ay sa pamamagitan ng gawain ng pagiging saserdoteng iyon, hindina kailangang magkaroon ng iba pang saserdote? Gayunman, itinalaga ng Diyos ang saserdote na ito ayon sa pangkat ni Melquisedec at hindi ayon sa angkan ni Aaron.
12 Sapagkat nang baguhin ng Diyos ang pagkasaserdote, kinakailangang baguhin din niya ang kautusan. 13 Sapagkat siya, na tinutukoy ng mga bagay na ito, ay kabahagi ng ibang lipi, kung saan ay walang sinuman ang naglingkod sa dambana.
Read full chapter
Ang Salita ng Diyos (SND)
Copyright © 1998 by Bibles International