Add parallel Print Page Options

Wala siyang ama o ina, wala siyang talaan ng mga angkan. Ang kaniyang mga taon ay walang simula, ang kaniyang buhay ay walang wakas. Siya ay natutulad sa anak ng Diyos. Siya ay nanatiling saserdote magpakailanman.

Ngayon, isipin natin kung gaano kadakila ang taong ito, na maging si Abraham na ating ninuno ay nagbigay sa kaniya ng ikapu sa kaniyang mga samsam. Ang mga anak nga ni Levi na naging mga saserdote ay may kautusan na kumuha ng ikapu mula sa mga tao. Ito ay ang kaniyang mga kapatid bagaman sila ay nagmula sa baywang ni Abraham.

Read full chapter