Add parallel Print Page Options

Ngunit ngayon si Jesus ay nagtamo ng isang higit na dakilang paglilingkod, yamang siya ay tagapamagitan ng isang tipan na higit na mabuti. Ang tipang ito ay natatag sa lalong mabuting pangako.

Sapagkat kung ang unang tipan ay walang kakulangan, hindi na sana naghahanap pa ng lugar para sa ikalawang tipan. Sapagkat nakita ng Diyos ang pagkukulang sa kanila, na sinasabi:

Akong Panginoon ang nagsasabi: Narito, duma­rating ang mga araw. Itatatag ko ang isang bagong tipan sa sambahayan ni Israel at sa sambahayan ni Juda.

Read full chapter