Add parallel Print Page Options

Nang maawat na ni Gomer si Lo Ruhama sa pagsuso, nabuntis ulit siya at nanganak ng lalaki. Sinabi ng Panginoon kay Hoseas, “Lo Ami[a] ang ipangalan mo sa bata, dahil ang mga mamamayan ng Israel ay hindi ko na mga mamamayan at ako ay hindi na nila Dios. 10 Pero darating ang araw na kaaawaan ko sila at pagpapalain; dadami sila tulad ng buhangin sa tabing-dagat na hindi kayang takalin o bilangin. Sa ngayon ay tinatawag silang ‘Kayoʼy hindi ko mga mamamayan,’

    silaʼy tatawaging, ‘Mga anak ng Dios na buhay.’

Read full chapter

Footnotes

  1. 1:9 Lo Ami: Ang ibig sabihin, hindi ko mga mamamayan.