Add parallel Print Page Options

15 “Mga taga-Israel, kahit na akoʼy tinalikuran ninyo tulad ng babaeng nangalunya, huwag na ninyong idamay ang mga taga-Juda.

“At kayong mga taga-Juda, huwag kayong pumunta sa Gilgal at sa Bet Aven[a] para sumamba sa akin o gumawa ng mga pangako sa aking pangalan. 16 Sapagkat matigas ang ulo ng mga taga-Israel katulad ng dumalagang baka na ayaw sumunod. Kaya paano ko sila mababantayan tulad ng mga tupang nasa pastulan? 17 Sumamba sila[b] sa mga dios-diosan kaya pabayaan na lang sila.

Read full chapter

Footnotes

  1. 4:15 Bet Aven: Ang ibig sabihin, bahay ng kasamaan. Ito ang tawag sa lugar ng Betel bilang pagkutya. Ang ibig sabihin ng Betel ay “bahay ng Dios.”
  2. 4:17 sila: sa Hebreo, Efraim. Isa ito sa mga lahi sa kaharian ng Israel, pero sa aklat na ito ang tinutukoy ay ang buong kaharian ng Israel.