Add parallel Print Page Options

13 “Nang makita ng mga taga-Israel at taga-Juda ang kanilang masamang kalagayan,[a] humingi ng tulong ang Israel sa makapangyarihang hari ng Asiria. Pero hindi ito makakatulong sa kanila.[b] 14 Sapagkat sasalakayin kong parang leon ang Israel at ang Juda. Ako mismo ang lilipol sa kanila. Dadalhin ko sila sa ibang bansa at walang makapagliligtas sa kanila. 15 Pagkatapos, babalik ako sa aking lugar hanggang sa aminin nila ang kanilang mga kasalanan. At sa kanilang paghihirap ay lalapit sila sa akin.”

Read full chapter

Footnotes

  1. 5:13 masamang kalagayan: sa literal, karamdaman at sugat.
  2. 5:13 hindi ito makakatulong sa kanila: sa literal, hindi siya makakapagpagaling ng kanilang sugat.