Add parallel Print Page Options

Napapasaya nila ang kanilang hari at mga pinuno sa kanilang kasamaan at kasinungalingan. Lahat silaʼy mga taksil.[a] Para silang mainit na pugon na ang apoy ay hindi na kailangang paningasin ng panadero mula sa oras ng pagmamasa ng harina hanggang sa itoʼy umalsa. Nang dumating ang kaarawan[b] ng kanilang[c] hari, nilasing nila ang mga opisyal nito. At pati ang hari ay nakipag-inuman na rin sa kanyang mga mapanghusga na mga opisyal.

Read full chapter

Footnotes

  1. 7:4 taksil: o, nangangalunya. Maaari rin na ang ibig sabihin nito ay sumasamba sila sa mga dios-diosan.
  2. 7:5 kaarawan: o, araw ng pagkokorona.
  3. 7:5 kanilang: Ito ang nasa Targum. Sa Hebreo, ating.