Add parallel Print Page Options

Galit na galit silang lahat na para ngang nagniningas na pugon. Kaya pinatay nila ang kanilang mga pinuno. Bumagsak lahat ang kanilang mga hari, pero wala ni isa man sa kanila ang humingi ng tulong sa akin.

“Nakikisalamuha ang Israel[a] sa ibang bansa. Silaʼy walang pakinabang tulad ng nilutong manipis na tinapay na nakalimutang baligtarin.[b] Inuubos ng mga taga-ibang bansa ang kanilang kakayahan, pero hindi nila ito namamalayan; katulad sila ng isang tao na pumuputi na ang buhok pero hindi niya ito napapansin.

Read full chapter

Footnotes

  1. 7:8 Israel: sa Hebreo, Efraim. Makikita rin ang salitang Efraim sa Hebreo sa talatang 11. Tingnan ang footnote sa 4:17.
  2. 7:8 nakalimutang baligtarin: Maaaring ang ibig sabihin ay nasunog o hilaw ang kabila.