Add parallel Print Page Options

11 Nagpagawa nga sila ng maraming altar para sa mga handog sa paglilinis, pero doon din sila gumawa ng kasalanan. 12 Marami akong ipinasulat na kautusan para sa kanila, pero ang mga itoʼy itinuring nilang para sa iba at hindi para sa kanila. 13 Naghahandog sila sa akin at kinakain nila ang karneng handog,[a] pero hindi ako nalulugod sa kanila. At ngayon aalalahanin ko ang kanilang kasamaan at parurusahan ko sila dahil sa kanilang mga kasalanan. Babalik sila sa Egipto.

Read full chapter

Footnotes

  1. 8:13 kinakain … handog: Ayon sa Lev. 7:11-18, ang karne na inialay bilang handog para sa mabuting relasyon ay kakainin ng pamilya ng naghandog at ng mga pari.