Add parallel Print Page Options

“Para silang naghahasik ng hangin at nag-aani ng buhawi.[a] Para ring trigo na walang uhay, kaya walang makukuhang pagkain. At kung mamumunga man, taga-ibang bansa naman ang lalamon nito. Ang Israel ay parang nilamon ng ibang bansa. At ngayong nakikisalamuha na siya sa kanila, para na siyang kasangkapang walang silbi. Para siyang asnong-gubat na nag-iisa at naliligaw. Humingi siya ng tulong sa Asiria; binayaran niya[b] ang kanyang mga kakamping bansa para ipagtanggol siya.

Read full chapter

Footnotes

  1. 8:7 Para … buhawi: Maaaring ang ibig sabihin nito, dahil sa kanilang mga ginagawa na walang kabuluhan, matinding parusa ang igaganti sa kanila.
  2. 8:9 niya: sa Hebreo, Efraim. Makikita rin ang salitang Efraim sa Hebreo sa talatang 11. Tingnan ang “footnote” sa 4:17.