Add parallel Print Page Options

Ang Parusa sa Israel

Sinabi ni Hoseas, “Kayong mga taga-Israel, tigilan na ninyo ang inyong mga pagdiriwang katulad ng ginagawa ng mga taga-ibang bansa. Sapagkat sumasamba kayo sa mga dios-diosan at lumalayo sa inyong Dios. Kahit saang giikan ng trigo ay ipinagdiriwang ninyo ang mga ani na itinuturing ninyong bayad sa inyo ng mga dios-diosan dahil sa inyong pagsamba sa kanila. Pero sa bandang huli, mauubusan kayo ng mga trigo at bagong katas ng ubas. Lilisanin ninyo ang Israel, ang lupain ng Panginoon, at babalik kayo[a] sa Egipto, at ang iba sa inyo ay pupunta sa Asiria, at doon ay kakain kayo ng mga pagkaing itinuturing ninyong marumi.

Read full chapter

Footnotes

  1. 9:3 kayo: sa Hebreo, Efraim. Makikita rin ang salitang Efraim sa Hebreo sa talatang 8, 11, 13 at 16. Tingnan ang “footnote” sa 4:17.