Hoseas 4:13-15
Ang Biblia, 2001
13 Sila'y naghahandog ng mga alay sa mga tuktok ng mga bundok,
at nagsusunog ng kamanyang,
sa ilalim ng mga ensina at ng mga alamo at ng mga roble,
sapagkat ang lilim ng mga iyon ay mabuti.
Kaya't ang inyong mga anak na babae ay naging bayarang babae,
at ang inyong mga manugang na babae ay nangangalunya.
14 Hindi ko parurusahan ang inyong mga anak na babae kapag sila'y naging bayarang babae
ni ang inyong mga manugang na babae kapag sila'y nangangalunya;
sapagkat ang mga lalaki mismo ay humahayo kasama ng bayarang babae
at sila'y naghahandog ng mga alay kasama ang mga bayarang babae sa templo.
at ang bayang walang pang-unawa ay mawawasak.
15 Bagaman ikaw, O Israel, ay naging bayarang babae,[a]
huwag hayaang magkasala ang Juda.
Huwag kayong pumunta sa Gilgal,
ni sumampa man sa Bet-haven,
at huwag kayong sumumpa, “Habang nabubuhay ang Panginoon.”
Footnotes
- Hoseas 4:15 o babaing nagbibili ng panandaliang aliw .