Add parallel Print Page Options

11 (A)Ang mga tinging mapagmataas ng tao ay mabababa, at ang mga pagmamataas ng mga tao ay mahuhutok, (B)at ang Panginoon magisa ay mabubunyi (C)sa kaarawang yaon.

12 Sapagka't magkakaroon ng isang kaarawan ang Panginoon ng mga hukbo sa lahat na palalo at mapagmataas, at sa lahat na nagmamataas; at yao'y mabababa:

13 At sa lahat ng cedro ng Libano, na matayog at mataas, at sa lahat ng encina ng Basan;

14 At (D)sa lahat ng matataas na bundok, at sa lahat ng mga burol na nangataas;

15 At sa bawa't matayog na moog, at sa bawa't kutang nababakod:

16 At (E)sa lahat ng mga sasakyang dagat ng Tarsis, at sa lahat ng maligayang bagay.

17 At ang kahambugan ng tao ay huhutukin, at ang mga pagmamataas ng mga tao ay mabababa: at ang Panginoon magisa ay mabubunyi sa kaarawang yaon.

Read full chapter