Add parallel Print Page Options

Hinukay niya ang lupa at inalisan ng bato,
    mga piling puno ng mabuting ubas ang kanyang itinanim dito.
Sa gitna'y nagtayo siya ng isang bantayan
    at nagpahukay pa ng balong pisaan.
Pagkatapos nito ay naghintay siya na ang kanyang tanim ay magsipagbunga,
    ngunit bakit ang kanyang napitas ay maasim ang lasa?

Read full chapter

Ang Talinghaga ng Puno ng Igos

Sinabi pa sa kanila ni Jesus ang talinghagang ito. “May isang taong may tanim na puno ng igos sa kanyang ubasan. Minsan, tiningnan niya kung may bunga ang puno, ngunit wala siyang nakita.

Read full chapter