Isaias 53:3-6
Ang Biblia (1978)
3 Siya'y hinamak at itinakuwil (A)ng mga tao; isang (B)taong sa kapanglawan, at bihasa sa karamdaman: at gaya ng isa na pinagkublihan ng kanilang mukha ng mga tao, na siya'y (C)hinamak, at hindi natin hinalagahan siya.
4 Tunay na kaniyang (D)dinala ang ating mga karamdaman, at dinala ang ating mga kapanglawan; gayon ma'y ating pinalagay siya na hinampas, sinaktan ng Dios, at dinalamhati.
5 Nguni't siya'y nasugatan (E)dahil sa ating mga pagsalangsang, siya'y nabugbog dahil sa ating mga kasamaan, ang parusa ng tungkol sa (F)ating kapayapaan ay nasa kaniya; (G)at sa pamamagitan ng kaniyang mga latay ay nagsigaling tayo.
6 (H)Tayong lahat na gaya ng mga tupa ay naligaw; tayo ay tumungo bawa't isa sa kaniyang sariling daan; at ipinasan (I)sa kaniya ng Panginoon ang kasamaan nating lahat.
Read full chapterAng Biblia Copyright © Philippine Bible Society 1905, 1915, 1933, 1978