Add parallel Print Page Options

Tutulungan ng ibang bansa ang Israel para makabalik sila sa lupaing ibinigay sa kanila ng Panginoon. At magiging alipin nila roon ang mga dayuhan. Bibihagin nila ang mga bumihag sa kanila noon, at sasakupin nila ang mga umapi sa kanila.

Mamamatay ang Hari ng Babilonia

Mga Israelita, sa araw na pagpapahingahin kayo ng Panginoon sa inyong mga paghihirap, pagtitiis at pagkaalipin, kukutyain ninyo ng ganito ang hari ng Babilonia:

“Bumagsak na ang mapang-aping hari. Tapos na ang kanyang pagpapahirap.

Read full chapter