Add parallel Print Page Options

(A)Aming nabalitaan ang kapalaluan ng Moab, na siya'y totoong palalo; ang kaniyang kahambugan, at ang kaniyang kapalaluan, at ang kaniyang poot, ang (B)kaniyang paghahambog ay nauuwi sa wala.

Kaya't aangal ang (C)Moab dahil sa Moab, bawa't isa'y aangal: dahil sa mga binilong pasas ng (D)Kirhareseth ay mananangis kayong lubha na nangamamanglaw.

Sapagka't ang mga bukid (E)ng Hesbon ay nanghihina, at ang ubasan ng Sibma; sinira ng mga mahal na tao ng mga bansa ang mga piling pananim niyaon; sila'y nagsisapit hanggang sa (F)Jazer, sila'y nagsilaboy sa ilang; ang kaniyang mga sanga ay nangalaladlad, sila'y nagsitawid sa dagat.

Read full chapter