Add parallel Print Page Options

Kaya't aangal ang (A)Moab dahil sa Moab, bawa't isa'y aangal: dahil sa mga binilong pasas ng (B)Kirhareseth ay mananangis kayong lubha na nangamamanglaw.

Sapagka't ang mga bukid (C)ng Hesbon ay nanghihina, at ang ubasan ng Sibma; sinira ng mga mahal na tao ng mga bansa ang mga piling pananim niyaon; sila'y nagsisapit hanggang sa (D)Jazer, sila'y nagsilaboy sa ilang; ang kaniyang mga sanga ay nangalaladlad, sila'y nagsitawid sa dagat.

Kaya't iiyak ako ng iyak ng Jazer dahil sa puno ng ubas ng Sibma: aking didiligin ka ng aking mga luha, Oh Hesbon, at Eleale; sapagka't sa iyong mga bunga ng taginit at sa iyong pagaani, dumating ang hiyaw sa pakikipagbaka.

Read full chapter