Isaias 18:5-7
Ang Biblia, 2001
5 Sapagkat bago mag-ani, kapag ang pamumulaklak ay tapos na,
at ang bulaklak ay nagiging ubas na nahihinog,
kanyang puputulin ng karit na pangkapon ang mga usbong,
at ang nakaladlad na mga sanga ay kanyang puputulin.
6 Ang mga iyon ay pawang maiiwan
sa mga ibong mandaragit sa mga bundok,
at sa mga hayop sa lupa.
At kakainin ang mga iyon ng mga ibong mandaragit sa panahon ng tag-init,
at kakainin ang mga iyon ng lahat na hayop sa lupa sa taglamig.
7 Sa panahong iyon ay dadalhin ang mga kaloob sa Panginoon ng mga hukbo
ng mga taong matataas at makikisig,
at mula sa bayang kinatatakutan sa malapit at malayo;
isang bansang makapangyarihan at nananakop,
na ang lupain ay hinahati ng mga ilog,
sa Bundok ng Zion, sa dako ng pangalan ng Panginoon ng mga hukbo.