Add parallel Print Page Options

18 Sa araw na iyon, limang lungsod ng Egipto ang susunod sa Panginoong Makapangyarihan, at magsasalita sila sa wikang Hebreo.[a] Isa sa mga lungsod na itoʼy tatawaging, Lungsod ng Araw.[b]

19 Sa araw na iyon, itatayo ang isang altar para sa Panginoon sa lupain ng Egipto, at itatayo ang isang alaalang bato sa hangganan nito. 20 Magiging tanda ito at patunay na naroon ang Panginoong Makapangyarihan sa lupain ng Egipto. Kung ang mga taga-Egipto ay hihingi ng tulong sa Panginoon sa dahilang pinapahirapan sila ng mga umaapi sa kanila, padadalhan sila ng magliligtas at kakalinga sa kanila.

Read full chapter

Footnotes

  1. 19:18 wikang Hebreo: sa Hebreo, wikang Canaan.
  2. 19:18 Lungsod ng Araw: Ito ang makikita sa karamihang mga tekstong Hebreo. Sa ibang mga tekstong Hebreo at sa Latin Vulgate, Lungsod ng Kapahamakan.