Add parallel Print Page Options

Halikayo, mga lahi ni Jacob, mamuhay tayo sa katotohanan,[a] na ibinigay sa atin ng Panginoon.

Ang Araw na Magpaparusa ang Dios

Totoong itinakwil nʼyo, Panginoon, ang mga mamamayan ninyo, ang lahi ni Jacob, dahil naniniwala sila sa mga pamahiing mula sa silangan at sa mga manghuhula, gaya ng mga Filisteo. Sinusunod nila ang pag-uugali ng mga dayuhan. Sagana sa pilak at ginto ang lupain ng Israel, at hindi nauubos ang kanilang kayamanan. Napakarami nilang kabayo, at hindi mabilang ang mga karwahe nila.

Read full chapter

Footnotes

  1. 2:5 katotohanan: sa literal, liwanag.