Font Size
Isaias 2:6-8
Magandang Balita Biblia
Isaias 2:6-8
Magandang Balita Biblia
Wawakasan ang Kapalaluan
6 Itinakwil mo ang lahi ni Jacob na iyong bayan,
sapagkat ang lupain ay punô ng mga salamangkero[a] mula sa silangan
at ng mga manghuhula gaya ng mga Filisteo;
nakikibagay sila sa kaugalian ng mga dayuhan.
7 Sagana ang kanilang lupain sa ginto at pilak,
at walang pagkaubos ang kanilang kayamanan.
Sa buong lupai'y maraming kabayo,
at hindi mabilang ang kanilang mga karwahe.
8 Punô ng diyus-diyosan ang kanilang bayan;
mga rebultong gawa lamang, kanilang niyuyukuran,
mga bagay na inanyuan at nililok lamang.
Footnotes
- Isaias 2:6 salamangkero: Sa ibang manuskrito'y hindi nakasulat ang salitang ito.
Magandang Balita Biblia (MBBTAG)
Magandang Balita Biblia, Copyright © Philippine Bible Society 2012.