Add parallel Print Page Options

Kung makakita siya ng mga kawal na nakasakay sa mga kabayo,
    at mga kawal na nakasakay sa asno at kamelyo,
dapat siyang maging handa
    at ang kahandaan niya'y kailangang maging lubos.”
Sumigaw ang bantay,[a]
“Maghapon po akong nasa tore.
Buong gabi'y nakabantay sa aking bantayan.”
Walang(A) anu-ano'y nagdatingan
    ang mga kawal na nakakabayo, dala-dalawa,
at nag-ulat ang bantay,
    “Bumagsak na! Bumagsak na ang Babilonia!
Nagkalat sa lansangan
    ang durug-durog niyang mga diyus-diyosan!”

Read full chapter

Footnotes

  1. Isaias 21:8 bantay: Sa ibang manuskrito'y leon .