Font Size
Isaias 22:1-3
Ang Biblia, 2001
Isaias 22:1-3
Ang Biblia, 2001
Ang Hula tungkol sa Jerusalem
22 Ang pahayag tungkol sa libis ng pangitain.
Anong ibig mong sabihin na ikaw ay umakyat,
kayong lahat, sa mga bubungan?
2 O ikaw na puno ng mga sigawan,
magulong lunsod, masayang bayan?
Ang iyong mga patay ay hindi napatay ng tabak,
o namatay man sa pakikipaglaban.
3 Lahat mong pinuno ay nagsitakas na magkakasama,
sila'y nahuli bagaman di ginamitan ng busog.
Kayong lahat na natagpuan ay nahuli,
bagaman sila'y nakatakas sa malayo.