Add parallel Print Page Options

Ang Mensahe tungkol sa Tyre at Sidon

23 Ang mensaheng itoʼy tungkol sa Tyre:

Umiyak kayong mga pasahero ng mga barko ng Tarshish. Sapagkat nawasak na ang inyong daungan sa Tyre. Sinabi na iyon sa inyo ng mga nanggaling sa Cyprus.[a] Tumahimik kayong mga naninirahan sa tabing-dagat pati na kayong mga mangangalakal ng Sidon. Ang inyong mga biyahero na nagpayaman sa inyo ay bumibiyahe sa mga karagatan para bumili at magbenta ng mga ani mula sa Shihor na bahagi ng Ilog ng Nilo. At nakikipagkalakalan sa inyo ang mga bansa.

Read full chapter

Footnotes

  1. 23:1 Cyprus: sa Hebreo, Kitim.