Add parallel Print Page Options

15 Kaya nararapat ding purihin ng mga tao sa silangan at ng mga lugar na malapit sa dagat[a] ang Panginoon, ang Dios ng Israel. 16 Maririnig ang awitan kahit saang dako ng mundo, “Purihin ang matuwid na Dios.”

Pero nakakaawa ako. Akoʼy nanghihina! Sapagkat patuloy ang pagtataksil ng mga taong taksil. 17 Kayong mga mamamayan ng mga bansa sa buong mundo, naghihintay sa inyo ang takot, hukay, at bitag.

Read full chapter

Footnotes

  1. 24:15 mga lugar na malapit sa dagat o, mga isla; o, malalayong lugar.