Isaias 31:3-5
Ang Biblia (1978)
3 Ang mga Egipcio nga ay mga tao, at hindi Dios; at ang kanilang mga kabayo ay laman, at hindi diwa: at pagka iuunat ng Panginoon ang kaniyang kamay, siyang tumutulong ay matitisod, at gayon din siyang tinutulungan ay mabubuwal, at silang lahat ay mangalilipol na magkakasama.
4 Sapagka't ganito ang sabi ng Panginoon sa akin, (A)Kung paano na ang leon at ang batang leon ay umuungal sa kaniyang huli, pagka ang karamihan ng mga pastor ay nagpipisan laban sa kaniya, na hindi siya matatakot sa kanilang tinig, o maduduwag man dahil sa ingay nila: (B)gayon bababa ang Panginoon ng mga hukbo sa bundok ng Sion, at sa burol niyaon upang makipaglaban.
5 Gaya ng mga ibong nagsisilipad (C)gayon aampunin ng Panginoon ng mga hukbo ang Jerusalem; yao'y (D)kaniyang aampunin at ililigtas, siya'y daraan at iingatan niya,
Read full chapterAng Biblia Copyright © Philippine Bible Society 1905, 1915, 1933, 1978