Add parallel Print Page Options

20 Tumingin ka sa Sion, ang (A)bayan ng ating mga takdang kapistahan: makikita ng iyong mga mata ang (B)Jerusalem na tahimik na tahanan, isang tabernakulo (C)na hindi makikilos, ang mga tulos (D)niyao'y hindi mangabubunot kailan man, o mapapatid man ang alin man sa mga tali niyaon.

21 Kundi doon ay sasa atin ang Panginoon sa kamahalan, na dako ng mga maluwang na ilog at batis; na hindi daraanan ng mga daong na may mga gaod, o daraanan man ng magilas na sasakyang dagat.

22 Sapagka't ang Panginoon ay ating hukom, ang Panginoon ay ating tagapaglagda ng kautusan, (E)ang Panginoon ay ating hari; kaniyang ililigtas tayo.

Read full chapter