Font Size
Isaias 34:5-7
Ang Biblia, 2001
Isaias 34:5-7
Ang Biblia, 2001
5 Sapagkat(A) ang aking tabak ay nalasing sa langit;
narito, ito'y bumababa sa Edom,
sa bayan na aking itinalaga para hatulan.
6 Ang Panginoon ay may tabak na punô ng dugo,
ito ay ginawang mataba ng katabaan,
sa dugo ng mga kordero at ng mga kambing,
sa taba ng mga bato ng mga lalaking tupa.
Sapagkat may handog ang Panginoon sa Bosra,
isang malaking patayan sa lupain ng Edom.
7 Ang maiilap na baka ay mabubuwal na kasama nila,
at ang mga batang baka na kasama ng malalakas na toro.
Ang kanilang lupain ay basang-basa sa dugo,
at ang kanilang alabok ay sasagana sa katabaan.