Add parallel Print Page Options

16 “O(A) Panginoon ng mga hukbo, Diyos ng Israel na nakaupo sa mga kerubin. Ikaw ang Diyos, ikaw lamang, sa lahat ng mga kaharian sa lupa; ikaw ang gumawa ng langit at lupa.

17 Ikiling mo ang iyong pandinig, O Panginoon, at iyong dinggin. Imulat mo ang iyong mga mata, O Panginoon, at tumingin ka. Pakinggan mo ang lahat ng salita ni Senakerib, na kanyang ipinasabi upang lapastanganin ang buháy na Diyos.

18 Sa katotohanan, Panginoon, ang lahat na bansa ay sinira ng mga hari ng Asiria at ang kanilang lupain.

Read full chapter