Add parallel Print Page Options

15 Ang mga bundok at burol ay aking gigibain,
    malalanta ang mga damo at ang iba pang mga halaman;
ang mga ilog at lawa ay matutuyo,
    at magiging disyerto.[a]
16 Aakayin ko ang mga bulag,
    sa mga daang hindi nila nakikita.
Gagawing liwanag ang kadiliman sa harapan nila,
    at papatagin ko ang mga daang baku-bako.
Ang lahat ng ito'y aking gagawin alang-alang sa kanila.
17 Mabibigo at mapapahiya ang lahat ng kumikilala
    at nagtitiwala sa mga diyus-diyosan.”

Read full chapter

Footnotes

  1. Isaias 42:15 disyerto: Sa ibang manuskrito'y baybaying-dagat .