Add parallel Print Page Options

Paglaya Mula sa Babilonia

14 Sinabi pa ni Yahweh,
    ang Tagapagligtas, at Banal na Diyos ng Israel:
“Magpapadala ako ng hukbo laban sa Babilonia alang-alang sa iyo.
    Gigibain ko ang mga pintuan ng kanyang lunsod
    at mauuwi lamang sa iyakan ang kasayahan ng mga tagaroon.
15 Ako si Yahweh, ang iyong Diyos na Banal,
    ang Hari ng Israel na sa iyo'y lumalang!
16 Iyan ang sinasabi ni Yahweh, na siyang gumawa ng daan sa gitna ng dagat,
    upang maging kalsadang tawiran.

Read full chapter