Font Size
Isaias 44:20-22
Magandang Balita Biblia
Isaias 44:20-22
Magandang Balita Biblia
20 Ang mga gumagawa nito'y parang kumakain ng abo.[a] Lubusan na siyang nailigaw ng kanyang maling paniniwala at mahirap nang ituwid. At hindi siya papayag na ang rebultong hawak niya ay hindi mga diyos.
Si Yahweh, ang Manlilikha at Tagapagligtas
21 Sinabi ni Yahweh,
“Tandaan mo Israel, ikaw ay aking lingkod.
Nilalang kita upang maglingkod sa akin.
Hindi kita kakalimutan.
22 Ang pagkakasala mo'y pinawi ko na, naglahong ulap ang katulad;
Ika'y manumbalik dahil tinubos na kita at pinalaya.
Footnotes
- Isaias 44:20 parang kumakain ng abo: o kaya'y nag-aaksaya lamang ng pagod at panahon .
Magandang Balita Biblia (MBBTAG)
Magandang Balita Biblia, Copyright © Philippine Bible Society 2012.