Add parallel Print Page Options

At sino, na gaya ko, tatawag, at (A)magpapahayag, at magaayos sa ganang akin, mula nang aking itatag ang matandang bayan? at ang mga bagay na dumarating, at ang mangyayari, ay ipahahayag nila.

Kayo'y huwag mangatakot, o magsipangilabot man: (B)hindi ko baga ipinahayag sa iyo nang una, at ipinakilala? at (C)kayo ang aking mga saksi. May Dios baga liban sa akin? oo, walang malaking Bato; ako'y walang nakikilalang iba.

Inilarawan ang kahangalan ng idolatria.

(D)Silang nangagbibigay anyo sa larawang inanyuan ay walang kabuluhan silang lahat; at ang kanilang mga bagay na kinaluluguran ay hindi mapapakinabangan: at ang kanilang sariling mga saksi ay (E)hindi nangakakakita, o nangakakaalam man: upang sila'y mangapahiya.

Read full chapter