Add parallel Print Page Options

22 “Lumapit kayo sa akin para maligtas kayo, kayong lahat sa buong mundo.[a] Sapagkat ako ang Dios at maliban sa akin ay wala nang iba pa. 23 Sumumpa ako sa aking sarili, at ang mga sinabi koʼy hindi na mababago. Ang lahat ay luluhod sa akin, at silaʼy mangangakong magiging tapat sa akin. 24 Sasabihin nila, ‘Tanging sa tulong lamang ng Panginoon ang taoʼy magkakaroon ng lakas at tagumpay na may katuwiran.’ ” Ang lahat ng napopoot sa Panginoon ay lalapit sa kanya at mapapahiya.

Read full chapter

Footnotes

  1. 45:22 buong mundo: sa literal, sa pinakadulo ng mundo.