Add parallel Print Page Options

18 Kung kayo lamang ay sumunod sa aking mga utos, dumaloy sana na parang ilog ang mga pagpapala sa inyo, at ang inyong tagumpay[a] ay sunud-sunod sana na parang alon na dumarating sa dalampasigan. 19 Ang inyo sanang mga lahi ay naging kasindami ng buhangin na hindi mabilang, at tinitiyak kong hindi sila mapapahamak.”

20 Umalis kayo sa Babilonia! Buong galak ninyong ihayag sa buong mundo[b] na iniligtas ng Panginoon ang kanyang lingkod, ang mga mamamayan ng Israel.[c]

Read full chapter

Footnotes

  1. 48:18 tagumpay: o, katuwiran.
  2. 48:20 buong mundo: sa literal, sa pinakadulo ng mundo.
  3. 48:20 ang mga mamamayan ng Israel: sa Hebreo, na si Jacob.