Add parallel Print Page Options

20 Kayo'y(A) lumabas sa Babilonia, tumakas kayo sa Caldea,
    ipahayag ninyo ito sa tinig ng sigaw ng kagalakan, ipahayag ninyo ito,
ibalita ninyo hanggang sa dulo ng lupa;
    inyong sabihin, “Tinubos ng Panginoon si Jacob na kanyang lingkod!”
21 At sila'y hindi nauhaw nang patnubayan niya sila sa mga ilang;
    kanyang pinaagos ang tubig mula sa bato para sa kanila;
    kanyang nilagyan ng guwang ang bato, at ang tubig ay bumukal.
22 “Walang(B) kapayapaan para sa masama,” sabi ng Panginoon.

Read full chapter