Add parallel Print Page Options

19 Sapagka't tungkol sa iyong mga sira at sa iyong mga gibang dako at sa iyong lupain na nawasak, tunay na ikaw (A)ngayon ay magiging totoong napakakipot sa mga mananahan, at silang nagsisisakmal sa iyo ay mangalalayo.

20 (B)Ang mga anak ng inyong kapanglawan ay mangagsasabi pa sa iyong mga pakinig, Ang dako ay totoong makipot sa ganang akin: (C)bigyan mo ako ng dako upang aking matahanan.

21 Kung magkagayo'y sasabihin mo sa iyong sarili, (D)Sinong nanganak ng mga ito sa akin, dangang nawalan ako ng aking mga anak, at ako'y nagiisa, tapon, at lumalaboy na paroo't parito? at sinong nagpalaki ng mga ito? Narito, ako'y naiwang magisa; mga ito, saan nangandoon?

Read full chapter