Add parallel Print Page Options

Ang(A) aking bibig ay ginawa niyang parang matalas na tabak,
    sa lilim ng kanyang kamay ay ikinubli niya ako;
ginawa niya akong makinang na palaso,
    sa kanyang lalagyan ng pana ay itinago niya ako.
At sinabi niya sa akin, “Ikaw ay aking lingkod;
    Israel, na siyang aking ikaluluwalhati.”
Ngunit aking sinabi, “Ako'y gumawang walang kabuluhan,
    ginugol ko ang aking lakas sa wala, at sa walang kabuluhan;
gayunma'y ang aking katarungan ay nasa Panginoon,
    at ang aking gantimpala ay nasa aking Diyos.”

Read full chapter